Sunday, August 9, 2009

Birthday Jed

August 5,2009

Labis ako namamangha sa mga bata sa sobrang hilig nila kay Jolibee... kung sa linya ng trabaho ko ang pag uusapan ehh parang si jolibee na ang pinakamagaling mang himok ng mga bata... Siya na ang no. 1 na pinakamagaling sa marketing para bagang nasa tiyan palang ng magulang niya ang bata ehh na bibigyan na nya ng leaflets at bag laki naman ehh mauuna pang banggitin ng bata si ABI(jolibee) kaysa sa Mama o Papa... Siguro nga kung mag kakaroon ng school si jolibee ehh madami na ang jolibeenians hahaha... Birthday ng aking pamangkin na si Jed ng araw na iyon at syempre kasama si Eci sa handaan late na ako dumating gaya ng dati at nauna pa sa akin ang aking anak. Pag dating ko sa Party normal naman ang mga pangyayari. Si Eci ay naka upo lang sa isang upuan kasama ang pinsan at tiya niya na sina Ate Kate at Tita Kate(pareho wew...). nga makita nya ako sabi nya “Papa papa jabi jabi” sabay turo sa paper doll na jolibee at hetty na kanyang pinag lalaruan. Bakit si jolibee at si hetty lang ang paper doll sa jolibee hhmmmppp... siguro may relasyon talaga sila dahil parang special na special si hetty dahil mas madalas syang kasama ni jolibee... pano na si Popo, Mr. Yum, Twirly, Pong Pagong, Big Bird, Barney at Kid Mcdo... wew tuloy ang kwento mabait si Eci ng araw na yun hindi sya masyadong makulit at magana din syang kumain hanggang sa dumating na ang pinakahihintay ng lahat ang pag dating ni jolibee... kitang kita ko ang anak ko na stock up ata ng makit si jolibee na papalabas siguro mga 30min syang tulala at hindi makapaniwala. Ang dating nakikita lang nya sa tv ay totoong gumagalaw. Ng natauhan na si Eci sumonod na ang walang humpay at patawad na kakulitan “si jabi si jabi...”,”hi jabi” at ang malakas na “aayyyy... Ssssiiii.... Jaaaabiiiibiiii.....!” wala na syang pakilam sumugod sya kay jolibee na parang isang football player na ttouch down... sa mga oras na yun nakalimutan na nya ng 2yrs old lang sya at nakipag gitgitan na sya sa mga batang gaya nya ehh humaling na humaling kay jolibee... hindi pa naman ito ang unang pagkikita nila ni jolibee sa katunayan nong birth day ng kaibigan ko ng si Mark este birthday pala ng anak nya... Nakita na ni Eci si jolibee doon at gaya ng nangyari doon at sa birthday ni Jed yun na yun na talaga ang reaction nya...

Tuesday, July 21, 2009

SIMBA

July19,2009(Sunday)


6AM na hindi parin ako nakakatulog jet log ata (sa apalit lang ako galing) anyway yun nag gupit nalang ako ng kuko hehehe… nga mga bandang 7 to 8am dumating na si Jojo (ang tawag ni Eci sa ate ko…) Ewan ko ba kung anong pinakain ng ate ko sa anak ko kung bakit pag naririnig nya ang boses ng ate ko nagigising sya siguro nag tataka kayo kung bakit ginising si Eci ng Ate ko kasi mamamalengke na sila at isasama nila si Eci para mamasyal (SA PALENGKE) At eto naming anak ko eh ayaw payatang bumangon pero ng sabihin ng kapatid ko ang magic word “BYE ECI ALIS NA AKO!!!” Taran tayo agad tapos sabay sigaw ng “JOJO MAMA!!!” Translation “JOJO SAMA!!!” yun ala na ako ng anak sa mga oras na yun at oras na para matulog…

TULOG…

Aray… Aw… Wag… Masakit…!!! Yan ang mga sigaw na nilikha ng maramdaman kong may tumutusok sa katawan ko habang ako’y natutulog… pinag tritripan ako ng mag ina ko… tinutusok ako ni Eci ng sarili kong kuko para magising ako habang tawa nga tawa ang magaling kong asawa sa mga panahong ganino wala ka ng magagawa kung di bumangon…

Napag pasyahan namin na magsimba nong araw na yung kaya kinahapunan nag bihis kami at umalis…

Habang nag lalakad kami papunta sa simbahan naisip naming kumain muna at syempre gusto ni Eci sa Jolibee (ano bang meron kay Jolibee bakit gusting gusto sya ng mga bata?) Pero syempre kaming mag asawa ang masusunod sa MC DO kami hahaha… kayak o naman naisip na sa Mc do kunain kc may laruan doon para kako makapag laro si Eci… ayun na nga kinausap ko muna sya ng mabuti “Eci papayagan kita mag laro kaso pag kakain na punta ka na d2 ha… ok?” “OPO” sagot nya. Sabay sabi ko “Inga…..” Wala na iniwan na ako…

Masaya syang nag lalaro sa laruan ni Mc do… akyat sa slide, mag slide, takbo, talon, at tawa. Pero ang pinaka masaya sa lahat eh meron syang nakikilala at nakakaloro… pero syempre kasama noon eh yung dapa, subsob, untog(favorite) at ngudngud na buong puso at galak na tinangap ng anak ko makapag laro lang…

Ng dumating yung pagkain tinawag ko na sya at pumunta naman sya kaagad sa amin para kumain (mabait talaga anak ko) nuggets ang favorite nya saka french fries pero sa pag kakataong yun mag gusto nya ng mabilis na pagkain para makabalik sa pag lalaro… isang nuggets nalang ang natitra kaya sabi nya sa Mama nya “Alo,Alo”(laro na daw sya…) pero away ni Rochelle at binatas ang anak sabi nya… “Ubusin mo muna to”(sabay abot sa nuggets…) Pag kuha ni Eci isinumpal nya kaagad ang buong nuggets sa maliit nyang bibig…sabay baba sa upuan “hahaha nautakan ka no?” yun nalang ang nasabi k okay Rochelle. At nag tawanan kaming mag asawa habang tumatakbo palayo si Eci sa amin…

7PM nay un Simbang Mc do ang ngyari sa amin sana lang pag palain kami ni mc do… pag labas namin sa kaiinan hindi pa sya kuntento nakita nya yung merry go round sa gitna ng mall at pilit nya kaming hinihila papunta doon at syempre kailang pag bigyan Php35 ang bayad sa ride pinapili ko sya gusto daw nya sa horse pero ayaw ng Mama nya nahihilo daw sya pag sinamahan nya si Eci sa ferries wheel nalang daw… kaya dun sila sumakay Php35 for 5min yung ride pero umabot na ng 30min d parin sila nakakababa… nakakalimutan kc ng operator na pababain sila kaya tawa ako ng tawa habang si rochelle naman eh nakikiusap sa akin na pababain na sila dahil sobrang tagal na… pero si Eci naman sige ng kaway sa akin “babay papa!!!”.

Napag pasyahan naming umuwi matapos akong makabili ng bag ng laptop. At habang nag lalakad kami di ko maintindihan kung bakit nagpahuli si Rochelle at sumunod sa mga yapak ni Eci na kasabay ko naming mag lakad… maya maya “Aray…” sabi ni Rochelle sabi ko “Bakit?” yumama daw yung paa nya kay Eci… ayun tuklap at tangal ang kuko. Sakit nun… pag sakay namin sa jeep doon na lumabas ang pagod ni Eci at eto ang kanyang huling salita “tupat, dede” translation “pacifier and dede” ang mga kapiling niya pag tulog…

Monday, July 20, 2009

Saturday

July18,2009(Saturday)


9:00PM ng makauwi kami ni Rochelle sa bahay at unang pag kikitanamin muli ni Eci pag alis ko last Wednesday para pumasok. Lagi ako natutuwa pag uuwi ako kasi pag 1st time ako na kikita ni Eci iba yung ngiti nya tapos tatakbo sya para akapin at kiss ako wow sarap sobra... na ngulit muna kami ni Eci sa kwarto ng kapatid ko na si Owel (Joel) at ang asawat anak nito na si Alen(Malyn) at Ice(yun lang ang kayang tawagin ng anak ko sa bahay ng tama ang bigkas kaso walang Kuya… ay ako pala kaya nyang tawagin JAYJAY kaso walang PAPA…)noong panahon na yung nakikipag agawan ako kay Ice ng PSP kasi may bagong laro daw ehh… tapos si Owel naman nag papamasahi ng hita kay Alen habang minamasahe si kuya umaaray sya at mayamaya napansin nalang namin si Eci eh nag papamasahi din ng legs kay Ice at umaaray din as in (Aaawww…. Aaaaalllaaayyy…) anyway that night nanood kami ni Eci ng Ice Age 3(dawn of the dinosaur) na DVD aw… hahaha oo pirated wag ka na magalit hindi yan topic ko pero malinaw yung copy sa munomento Php 35 lang 3 for 100… teka baka maligaw na ako sa kwento ko. Late na matulog si Eci pag nasa bahay ako pati si Rochelle ewan ko kung bakit at syempre sila rin di nila alam kung bakit kasi lagging ako ang sinisisi nila pag di sila makatulog… habang nanood kaming mag anak si Eci naman ginagawa yung yuswal na paglalarong alam nya… “Takbo, Ikot, Talon, Higa, Dapa, Bato ng laruan, Sigaw, Tambling, at ang favorite nya sa lahat UNTOG” yan ang laro ni Eci pero minsan naaalala nya na babae nga pala sya kaya mag lalaro sya ng manika… minsan lang yun… madalas pang pinupugot nya yung ulo ng manika nya. Maya maya nung patapos na ang pinapanood namin napansin nalang namin na natutulog na pala si Eci. Subo ang patupat nakahimlay sa malamig na sahig mukang mangkukulam (mga 2 beses na syan nililinis kaso pag nag laro sya talaga parasyang street children.)

START


I’m Jonas Jay D. Lorenzo and I’m from MALABON CITY (water world) and I work in APALIT, PAMPANGA… every Monday – Saturday nasa office ako 24/7 kaya every week end ko lang nakakasama ang aking mag ina… at sa blog na ito makikita at mababasa nyo ang lahat ng pangyayari sa buhay ng aking anak nasi JHANNA ELLYCIA LAVARETE LORENZO kapag magkasama kami… Eci is only 2yrs. old pero minsan nakakagulat sya... tignanyo nalang sa mga magiging kwento ko...