Monday, July 20, 2009

Saturday

July18,2009(Saturday)


9:00PM ng makauwi kami ni Rochelle sa bahay at unang pag kikitanamin muli ni Eci pag alis ko last Wednesday para pumasok. Lagi ako natutuwa pag uuwi ako kasi pag 1st time ako na kikita ni Eci iba yung ngiti nya tapos tatakbo sya para akapin at kiss ako wow sarap sobra... na ngulit muna kami ni Eci sa kwarto ng kapatid ko na si Owel (Joel) at ang asawat anak nito na si Alen(Malyn) at Ice(yun lang ang kayang tawagin ng anak ko sa bahay ng tama ang bigkas kaso walang Kuya… ay ako pala kaya nyang tawagin JAYJAY kaso walang PAPA…)noong panahon na yung nakikipag agawan ako kay Ice ng PSP kasi may bagong laro daw ehh… tapos si Owel naman nag papamasahi ng hita kay Alen habang minamasahe si kuya umaaray sya at mayamaya napansin nalang namin si Eci eh nag papamasahi din ng legs kay Ice at umaaray din as in (Aaawww…. Aaaaalllaaayyy…) anyway that night nanood kami ni Eci ng Ice Age 3(dawn of the dinosaur) na DVD aw… hahaha oo pirated wag ka na magalit hindi yan topic ko pero malinaw yung copy sa munomento Php 35 lang 3 for 100… teka baka maligaw na ako sa kwento ko. Late na matulog si Eci pag nasa bahay ako pati si Rochelle ewan ko kung bakit at syempre sila rin di nila alam kung bakit kasi lagging ako ang sinisisi nila pag di sila makatulog… habang nanood kaming mag anak si Eci naman ginagawa yung yuswal na paglalarong alam nya… “Takbo, Ikot, Talon, Higa, Dapa, Bato ng laruan, Sigaw, Tambling, at ang favorite nya sa lahat UNTOG” yan ang laro ni Eci pero minsan naaalala nya na babae nga pala sya kaya mag lalaro sya ng manika… minsan lang yun… madalas pang pinupugot nya yung ulo ng manika nya. Maya maya nung patapos na ang pinapanood namin napansin nalang namin na natutulog na pala si Eci. Subo ang patupat nakahimlay sa malamig na sahig mukang mangkukulam (mga 2 beses na syan nililinis kaso pag nag laro sya talaga parasyang street children.)

1 comment:

  1. LOL...

    katuwa naman yang makulit

    na batang yan!!!

    hehe...


    exchange links tayo sir...
    http://acegem.wordpress.com

    ReplyDelete