Sunday, August 9, 2009

Birthday Jed

August 5,2009

Labis ako namamangha sa mga bata sa sobrang hilig nila kay Jolibee... kung sa linya ng trabaho ko ang pag uusapan ehh parang si jolibee na ang pinakamagaling mang himok ng mga bata... Siya na ang no. 1 na pinakamagaling sa marketing para bagang nasa tiyan palang ng magulang niya ang bata ehh na bibigyan na nya ng leaflets at bag laki naman ehh mauuna pang banggitin ng bata si ABI(jolibee) kaysa sa Mama o Papa... Siguro nga kung mag kakaroon ng school si jolibee ehh madami na ang jolibeenians hahaha... Birthday ng aking pamangkin na si Jed ng araw na iyon at syempre kasama si Eci sa handaan late na ako dumating gaya ng dati at nauna pa sa akin ang aking anak. Pag dating ko sa Party normal naman ang mga pangyayari. Si Eci ay naka upo lang sa isang upuan kasama ang pinsan at tiya niya na sina Ate Kate at Tita Kate(pareho wew...). nga makita nya ako sabi nya “Papa papa jabi jabi” sabay turo sa paper doll na jolibee at hetty na kanyang pinag lalaruan. Bakit si jolibee at si hetty lang ang paper doll sa jolibee hhmmmppp... siguro may relasyon talaga sila dahil parang special na special si hetty dahil mas madalas syang kasama ni jolibee... pano na si Popo, Mr. Yum, Twirly, Pong Pagong, Big Bird, Barney at Kid Mcdo... wew tuloy ang kwento mabait si Eci ng araw na yun hindi sya masyadong makulit at magana din syang kumain hanggang sa dumating na ang pinakahihintay ng lahat ang pag dating ni jolibee... kitang kita ko ang anak ko na stock up ata ng makit si jolibee na papalabas siguro mga 30min syang tulala at hindi makapaniwala. Ang dating nakikita lang nya sa tv ay totoong gumagalaw. Ng natauhan na si Eci sumonod na ang walang humpay at patawad na kakulitan “si jabi si jabi...”,”hi jabi” at ang malakas na “aayyyy... Ssssiiii.... Jaaaabiiiibiiii.....!” wala na syang pakilam sumugod sya kay jolibee na parang isang football player na ttouch down... sa mga oras na yun nakalimutan na nya ng 2yrs old lang sya at nakipag gitgitan na sya sa mga batang gaya nya ehh humaling na humaling kay jolibee... hindi pa naman ito ang unang pagkikita nila ni jolibee sa katunayan nong birth day ng kaibigan ko ng si Mark este birthday pala ng anak nya... Nakita na ni Eci si jolibee doon at gaya ng nangyari doon at sa birthday ni Jed yun na yun na talaga ang reaction nya...

No comments:

Post a Comment